Regalado

Sa pamumulaga ng magandang araw,
samo ko'y tumungo sa ating simbahan;
anak na bunso ko doon ikakasal,
madlang kakilala ay sasamang abay
Ang sikat ng araw pag pantay anino,
sa dahon ng saging magsalo tayo;
kung di ka masayahan sa ihahandog ko,
pababaunan ka ng natirang puto.
Kung hampas-tikin na ang lagay ng araw,
di sa pagtataboy tumungo sa hagdan;
sundin ta ang utos, ng Poong Maykapal,
huwag abalahin itong bagong kasal.

Rate this poem: 

Reviews

No reviews yet.