Ang mga manggagawa

Isáng lingóng singkád na pigta sa pawis
at kinakabaka ang madlang pang̃anib,
kahit nanglalata ang ng̃aláy na bisig
ay di makahinto, at nagsusumakit
na ang pitóng araw'y kanyáng maisulit.
Pagka't alaala ang giliw na anák,
ang sintáng asawa, ang ináng naghirap
ó kaya'y ang madlang kandiling kaanak
na walang timbulan kung di iyóng hanap
na sa pagkain lang ay di pa sasapát.
Di namán mangyari, sa dukhang may dang̃ál,
ang gawang mang-umít sa pinápasukan,
kay ng̃a't ang tang̃ing pinanánang̃ana'y
yaong pinang̃anláng bayad kapagalan
na di halos upa kundi limos lamang.
Sapagka't ang bagay na pang̃anláng bayad,
ay yaóng katimbáng ng̃ puhunang hirap,
datapwa'y ang labí ng̃ sakím na pilak
na hindi marunong humati ng̃ sapát,
ay di nababagay sa upang pag tawag.
Páhiná 54
Iyán ang matimping kampón ni Minerva,
iyán ang may tagláy ng̃ igiginhawa
nitong Sangsinukob; silá, silang silá
ang nagpapayaman, ng̃uni't alimura
nang mg̃a puhunang may gútom buwaya.
Silá ang kaulóng ng̃ Nang̃ang̃asiwa
ng̃ itó'y abutin ng̃ ating si Teta,
silá ang katung̃ong nagmamakaawa
na huwag nang gawín iyong pagbababa
sa dating upahá't kabayaráng takda.
Datapwa, ang ganid, sa wikang matigás,
(labis pa sa bagsík ng̃ sadyang may pilak)
ay inalimura iyong mahihirap,
at saka matapos pang̃alán ng̃ tamád
ay di ibinigáy ang ukol na bayad.
—Kayó'y mg̃a hungháng, mg̃a waláng isip,
ibig pang lumampás sa puhunang kabig;
kung ayaw tumangáp ng̃ upa kong nais,
kayó ang bahala; ng̃ayón di'y umalís
at baka abutin ang akó'y magalit.
At biglang iniwan ang mg̃a kausap,
matapos masambít ang ilán pang sumbát,
(na ating natalós sa dakong itaas):
doon na nangyaring si Teta'y hinaráp
na ang katapusá'y tampál na malakás.
Siya ay iniwan na hilóhiló pa
niyong namumuhing mahinhíng dalaga,
dapwa'y nang magbalík ang diwang nágitlá'y
nag-alab ang poot at ang pinagmurá'y
ang mg̃a upaháng kapulong na una.
At saka nagbihis ng̃ lubhang madali,
sinunda't hinabol iyong mananahi,
Páhiná 55
hindi na ininó ang pamimighati
ng̃ mg̃a upaháng nang̃aglulungatíng
ibigáy ang upang ukol sa nayari.
¿Iláng mg̃a lunó't matandang magulang,
iláng mg̃a anák at asawang hirang
ang hindi kakain sa gayóng inasal
niyong walang ling̃ap!? Kaya 't pinasukan
din ng̃ pagng̃ing̃itng̃it ang mg̃a upahán.
Sumadilidili, na bago makitang
dayukdók ang madlang anák at asawa
ay dapat utang̃in ang buhay na dalá
niyong walang awa't walang kaluluwang
pinalalamon na ay nanínila pa.
Yayamang wala ring mg̃a kahatulán
sukat tuntunín sa pagayóng bagay,
lubós nang tinangkang silá ang humirang
ng̃ bagay at kapit na kaparusahán
doon sa tao ng̃a'y may~asal halimaw.
Ang mahinbíng batis na binabalung̃an
ng̃ lináw na tubig na pang-patíd uhaw'y
nag-aanyong baha kapag hinalang̃an ...
¿ang puso pa kayang marunong magdamdám
ang hindi sumubó kapag hinahalay?
Kaya't sabaysabáy na wari'y iisá
nang sinundán iyong budhing palamara;
nagsabáy na lahát, na poot ang dalá ...
iiay ... ng̃ sa alab ay mang̃ahás sumugbá!!
iiay ... ng̃ madaanan ng̃ along masiglá!!

Rate this poem: 

Reviews

No reviews yet.