Sa Bilangguan ng Pag-ibig

Isang tao ang mag-isang lumuluhang walang tigil

sa silong ng sakdal dilim na piitan ng Paggiliw;

Sa labi ay tumatakas ang mga ay! ng damdamin

at sa anyo'y tila mayr'ong nilalagok na hilahil.

Para niyang nakikitang siya'y ayaw nang lapitan

ng dalagang lumalayo sa tawag ng kanyang buhay.

Palibhasa, siya yata'y hinding-hindi nababagay

na umibig sa dalagang mayr'ong matang mapupungay.


Nagdaan ang mga araw. Ang bilanggo'y nagtitiis

sa pagtawag sa pangalan ng diwatang naglulupit

samantalang ang diwata'y patuloy sa di-pag-imik.

Ngunit sino kaya yaong naglulupit na diwata?

Walang salang iya'y ikaw, dalaga kong walang-awa

at ako ang bilanggo mong hanggang ngayo'y lumuluha.

Rate this poem: 

Reviews

No reviews yet.